No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Iba't-ibang sektor sa Surigao City sinuportahan ang implementasyon ng FOI sa mga ahensya ng pamahalaan

LUNGSOD NG BUTUAN -- Kasabay ng Transparency Roadshow ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa Surigao City, probinsya ng Surigao del Norte ay sinuportahan ng iba't-ibang sektor ang implementasyon ng Freedom of Information (FOI) para sa mabilis na pag-access sa mga impormasyon mula sa mga ahensya ng pamahalaan. 
 
Ayon kay Jocelyn Ferol, reporter ng RMN-dxRS sa Surigao City, mas napagaan at napabilis ang proseso ng pagkuha ng impormasyon mula sa local na pamahalan at mga ahensiya dahil sa FOI. “Sa FOI kasi mas madali na ngayon ang pagkuha ng impormasyon. Sa ngayon, may sapat na koordinasyon ang iba’t-ibang ahensiya kaya mas madali na rin sa aming mga media practitioner," banggit niya.
 
Binigyang-diin naman ni Surigao del Norte Governor Eddie Gokiangkee ang kahalagahan ng pagpapatupad ng isang open at transparent governance para mas lumawak pa ang kaalaman ng publiko sa mga programa ng pamahalaan.
 
“Positibo tayo na mapagpapatuloy natin ang pagpapatupad ng isang bukas at transparent na pamamahala, at patuloy rin ang tiwalang ibinibigay ng mamamayan sa ating pamahalaan. Ang FOI ay isang magandang programa ng PCOO, kapakipakinabang at dapat na maipatupad sa lahat ng mga ahensiya ng gobyerno,” ani ni Gokiangkee.
 
Kasabay nito, lumagda rin ng Memorandum of Understanding (MOU) ang Surigao State College of Technology (SSCT) kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), National Housing Authority (NHA), at iba pang kinauukulang ahensiya para sa implementasyon ng FOI.
 
Ayon kay Krizia Casey Avejar, chief ng Communications and Capacity Development Division at FOI Project Management, ang bawat Pilipino ay may karapatang maka-access sa mga impormasyon, official records, pampublikong dokumento at mga dokumentong may kinalaman sa official acts, transactions or decisions, at government research data para sa paggawa ng mga polisiya.
 
Hinikayat din ni PCOO Secretary Martin Andanar ang mga Surigaonon na gamitin ang FOI sa mabuting paraan lalo na sa kampanya ng gobyerno laban sa korapsyon. (JPG/PIA-Caraga)
 

About the Author

Jennifer Gaitano

Writer

CARAGA

Feedback / Comment

Get in touch