No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

22 kooperatiba ng mga magsasaka, nakatanggap ng organic farm inputs mula sa BARMM

LUNGSOD NG COTABATO (PIA) -- Abot sa 22 iba’t-ibang kooperatiba ng mga magsasaka mula sa lungsod ng Cotabato, mga probinsya ng Maguindanao, Lanao Del Sur, at Special Geographic Areas sa rehiyon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang nakatanggap kamakailan ng organic farm inputs mula sa Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform (MAFAR) ng BARMM.

Ang ipinamahaging farm inputs ay nagkakahalaga ng P846,374 sa ilalim ng 2021 General Appropriations Act for Bangsamoro.

Kabilang sa ipinamahagi ay organic fertilizers, sweet potato cuttings, luya, molasses at foliar fertilizers.

Ayon kay MAFAR Chief of Operation for Agriculture Services Tong Abas, ang nasabing pamamahagi ay paraan ng ministry upang isulong at palakasin ang organic farming sa rehiyon.

Dagdag pa rito, nagpaabot din ng pasasalamat sa MAFAR ang mga benepisyaryo kabilang na ang Talapas Integrated Organic Farmers Association, at Malony Tulawi of Greenland Multi-Purpose Cooperative mula sa Maguindanao.

Samantala, ang pamamahagi ay alinsunod sa selebrasyon ng 7th Organic Agriculture Month na may temang “Organikong Pagsasaka, Sagot sa Pandemya,” isang taunang aktibidad na naglalayong isulong ang organic farming. (With reports from BIO-BARMM).








About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch