No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Crime Scene Awareness Seminar isinagawa sa Poblacion Baco

Crime Scene Awareness Seminar isinagawa sa Poblacion Baco

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) – Upang madagdagan ng kaalaman ang mga opisyales ng barangay Poblacion sa bayan ng Baco, isinagawa kamakailan ng Police Forensic Unit (dating Regional Crime Laboratory Office) Mimaropa ang Crime Scene Awareness Seminar upang malaman ang mga dapat at bawal gawin matapos maganap ang isang krimen.

Ipinaliwanag ng tagapanguna ng Forensic Unit (FU) na si PCpt Christian Maceda ang apat na pangunahing bagay sa isang krimen na dapat pagtuunan ng pansin ay ang biktima, suspek, ebidensiya at pag-kordon sa lugar.

Itinuturo ni PCpt Christian Maceda (pangalawang nakatayo sa bahaging itaas) ng Forensic Unit sa dalawang opisyal ng barangay kung ano ang dapat gawin sa isang naganap na krimen. (Kuha ni Dennis Nebrejo/PIA-OrMin)

Ipinaabot naman ni Maceda ang pasasalamat ni FU Regional Chief PCol Nerino Daciego sa pagbibigay sa kanila ng pagkakataong maibahagi ang mga pamamaraan para sa pag-aaral at mabilis na paglutas sa mga krimen sa lugar.

Dumalo drn sa nasabing aktibidad ang mga kagawad ng barangay, pinuno ng Sangguniang Kabataan na si Jay Lorence Najito, barangay health workers, parent leaders at mga Barangay Peace Action Team (BPAT). (DN/PIA-OrMin)

Sinabi ni Maceda na walang krimen kung walang biktima, dahil dito itutuon ng pansin ng mga operatiba ang maaring sanhi ng pagkamatay ng biktima at kung paano iligtas ito sa tiyak na kapahamakan. Ikalawang bagay ay ang suspek o ang pinaghihinalaang salarin. Maaring malutas ang kaso at sa posibleng pagkakakilanlan ng salarin kung mayroong ebidensiya tulad ng finger print o DNA na maaring makita sa lugar na pinangyarihan na siya namang ikatlong bagay para sa madaling paglutas ng kaso; at ikaapat ang paglagay ng kordon sa lugar upang hindi mapasok ang sinoman upang hindi makontamina ang mga makakalap na ebidensiya.

Lubos ang pasasalamat ni Brgy. Chairman Marciano ‘Manoy’ Ical sa grupo ng mga pulis sa pagbabahagi ng dagdag kaalaman sa kanilang tungkulin upang makatulong sa paglutas ng krimen.

Dumalo sa isinagawang Crime Scene Awareness Seminar ang mga opisyales ng Brgy. Poblacion Baco sa pamumuno ni Chairman Marciano 'Manoy' Ical. (Kuha ni Dennis Nebrejo/PIA-OrMin)

About the Author

Dennis Nebrejo

Writer

Region 4B

Public Information Assistant

Philippine Information Agency

2nd Flr. George Teng Bldg., JP Rizal St., cor. Gozar St., Brgy. Camilmil Calapan City

Email : dennis.nebrejo@pia.gov.ph

Feedback / Comment

Get in touch