No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga laptop, ipinamahagi sa mga estudyante ng PLP

LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig ng mga laptops para sa mga mag-aaral ng Pamantasan ng Lungsod ng Pasig (PLP).

Pinangunahan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang pamamahagi ng 1,000 laptops para sa mga mag-aaral, maging sa mga guro ng PLP.

Mula noong unang pinagbawalan ang face-to-face classes, ginawa natin ang lahat para hindi matigil ang kabataan sa kanilang pagaaral. Ang bawat pisong nakalaan para sa edukasyon ay investment natin sa kinabukasan ng ating bayan. 1:1 device to student/faculty for schools under Pasig DepEd SDO and LGU, K-12 and PLP,” ayon kay Mayor Sotto.

Noong nakaraang taon, namagi rin ang pamahalaang lungsod ng mga laptops at tablets para sa mga pampublikong mag-aaral at guro ng lungsod upang magamit sa distance learning. (Pasig City/PIA-NCR)

Mayor Vico Sotto FB page.

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch