No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

277 PWDs ng San Juan nakatanggap ng ayuda at tulong pang-edukasyon

LUNGSOD CALOOCAN, (PIA) -- Ang Pamahalaang Lungsod ng San Juan ay naghandog ng financial educational assistance na nagkakahalaga ng P4,000 sa 277 San Juaneño na persons with disabilities (PWDs).

Ayon kay Mayor Francis Zamora, ito ang pinaka-unang pagkakataon na nabigyan ng espesyal na tulong pang-edukasyon ang ating San Juaneño PWDs ng ganitong halaga at bilang.

Ang pamamahagi sa mismong pagdiriwang ng International Day of Persons with Disabilities ay isinagawa ng Persons with Disabilities Affairs Office (PDAO) sa pangunguna ni Ms. Debbie Page, PDAO Head.

Mapapanood ang video ng event sa link na ito:
https://www.facebook.com/watch/live/?ref=watch_permalink&v=908678246443448 (PIA-NCR)

Mga kuha mula sa Mayor Francis Zamora Facebook Page

About the Author

Jerome Carlo Paunan

Editor

NCR

Feedback / Comment

Get in touch