No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Higaonon tribe sa Butuan City nanawagan sa gobyerno na tugunan ang edukasyon ng mga kabataang IPs

LUNGSOD NG BUTUAN -- Nagkaisa ang mga Indigenous Peoples (IPs) sa Butuan City para ilahad ang kanilang mga hinaing na nais nilang matugunan ng pamahalaan.
 
Ayon kay Bae Flor Bangkayaw, isang higaonon at Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR) ng Barangay San Mateo, Butuan City, hiling nila ang scholarship grants para sa kanilang mga anak mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at iba pang mga ahensya.
 
Para sa kanila mahalaga ang edukasyon at malaking tulong sa kanilang tribu kung marami silang mga kabataan ang makapagtapos ng kolehiyo. 
 
"Alam po namin na may scholarship grants ang gobyerno pero hindi po namin alam kung saan kami pupunta para makakuha nito. panawagan ko lang din sa ating mga kabataan na pahalagahang mabuti ang kanilang edukasyon dahil makakatulong din ito sa kanila at para hindi rin sila basta-basta malinlang ng mga teroristang grupo," ani ni Bangkayaw.
 
Binigyang-diin din ni Julieto Pescadero Canoy alias 'Tatay Bong', dating finance officer ng New People’s Army (NPA) sa Mindanao na may mga nare-recruit pa rin ang grupo sa ilang unibersidad at nililinlang ang mga kabataan na sumanib at lumaban sa gobyerno. 
 
Hinikayat din niya ang mga kabataan na ayusin na lamang ang kanilang kapakanan at tulungan ang gobyerno sa pagsugpo ng insurgency at huwag iboto sa May 2022 elections ang mga kandidato at political organization na may kinalaman sa makakaliwang grupo. 
 
“Kayong mga nasa kilusan pa, tumigil at sumuko na kayo dahil walang naidudulot na kabutihan kundi kasamaan lamang at paglabag sa human rights ang inyong ginagawa sa lipunan," pahayag ni Canoy. (JPG/PIA-Caraga)

About the Author

Jennifer Gaitano

Writer

CARAGA

Feedback / Comment

Get in touch