No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Palawan, labis pininsala ng bagyong Odette

Sirang mga bahay at imprastraktura, maging pinsala sa agrikultura, ito ang iniwan ng bagyong Odette sa probinsya ng Palawan at Puerto Princesa nang ito ay tumama noong December 17. (Larawan mula kay Jopee Dela Cruz Ilagan)

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Sirang mga bahay at bubungan at imprastraktura, mga bangkang lumubog, maging pinsala sa agrikultura, ito ang iniwan ng bagyong Odette sa probinsya ng Palawan at Puerto Princesa nang ito ay tumama noong Biyernes, ika-17 ng Disyembre.

Ayon sa isang residente na si Jopee Ilagan, halos dalawang araw silang stranded dahil sa bagyo.

"Walang maayos na tulugan, Walang maayos na pagkain at inumin, Walang signal. Hindi ka makapagupdate sa pamilya mo," ayon kay Ilagan.

Sa ngayon kasi, pahirapan parin ang linya ng komunikasyon ng mga residente ng probinsya maliban sa northern at southern palawan na may nasasagap ng cellphone signal.

Sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Palawan, ang mga lokal na pamahalaan lamang na nasa Sur at Norte ng lalawigan ang nakakapagpadala sa kanilang mga impormasyon at reports.

Sinabi rin ng PDRRMO ng Palawan na libu-libong pamilya ang nasa evacuation center sa ngayon matapos na masira ang maraming kabahayan sa probinsya at malubog sa baha.

Maliban sa linya ng komunikasyon, wala pang malinaw na impormasyon kung kailan maibabalik ang linya ng kuryente at tubig sa Palawan at sa Puerto Princesa. (PJF/PIA Mimaropa)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch