No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

74 na indibidwal sa NCot nakapagtapos sa Farm Business School ng DAR

LUNGSOD NG KIDAPAWAN, Lalawigan ng North Cotabato (PIA) -- Abot sa 74 na indibidwal dito sa lalawigan ang nagsipagtapos kamakailan sa Farm Business School o FBS ng Department of Agrarian Reform o DAR.

Mula sa nasabing bilang, 44 ang miyembro ng Malatab Women’s Association ng Malatab, Antipas samantalang ang nalalabing 30 ay miyembro naman ng G7 Organic Farmers’ Cooperative ng Takepan, Pikit.

Ayon kay Provincial Agrarian Reform Program Officer II Rodolfo Alburo, mahalaga ang FBS upang mahasa ang kakayahan ng mga magsasaka na maging farmer-entrepreneurs. Ito ay upang lalo pa nilang mapagkakitaan ang pagsasaka.

Sa kabilang banda, inihayag naman ni Amy Flores, isa sa mga benepisyaryo ng programa, na ang FBS ay mainam na paraan upang mabigyan ang mga magsasaka ng dagdag na kaalaman at estratehiya upang mapaganda ang mga produkto, mapaayos ang pagbebenta ng mga ito, at mapataas ang kanilang kita.

Nabatid na nagsimula ang FBS nitong Hulyo ng 2021. (With reports from DAR-North Cotabato)

About the Author

Shahana Joy Duerme-Mangasar

Writer

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch