No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Agricultural productivity mas palalakasin ng DOST, USM


LUNGSOD NG KIDAPAWAN, Lalawigan ng North Cotabato (PIA)—Lalo pang palalakasin ang agricultural productivity sa Rehiyon Dose matapos lumagda kamakailan sa memorandum of agreement ang University of Southern Mindanao o USM-Kabacan at ang Department of Science and Technology o DOST XII.

Ang MOA ay may kaugnayan sa Research and Development o R and D Grant on Banana Health Diagnostics at pagpapatupad ng Consultancy for Agricultural Productivity Enhancement o CAPE program.

Ayon kay DOST XII Regional Director Engr. Sammy Malawan, layon ng CAPE program na mapalakas ang agricultural productivity sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga angkop o nararapat na farm management practices.

Kaugnay nito, ilang consulting teams ang magsasagawa ng pag-aaral sa mga piling agri-business areas upang mapabuti at mapalago ang mga taniman at mga produkto nito.

Sa pamamagitan naman ng R and D grant ay matutukoy ang mga pangunahing disease causal pathogens at mabibigyang solusyon ang mga problemang ito sa mga sagingan sa rehiyon.

Nanguna sa ginawang MOA signing sina Malawan at mga opisyal ng USM na pinangunahan naman ni USM President Dr. Francisco Gil Garcia.

Samantala, hinikayat naman ni DOST-North Cotabato Provincial Director Michael Ty Mayo ang iba pang indibidwal na magsumite ng mga R and D proposal upang makatulong sa komunidad at mabigyang halaga ang mga pananaliksik. (With reports from DOST-North Cotabato)


About the Author

Shahana Joy Duerme-Mangasar

Writer

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch