No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Araw ni Rizal, ginunita sa Marikina

Mga kuha mula sa Marikina Public Information Office


LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Ginunita kahapon ng Lungsod Marikina ang Rizal Day kung saan sinariwa ang ilang mahahalagang kontribusyon ng Pambansang Bayani na si Gat Jose Rizal.

Rizal’s heroism is alive in all of us today. Sa ating bayanihan at malasakitan. Ito ang patuloy na magbibigay sa atin ng inspirasyon at pag-asa. Mabuhay ang alaala ni Rizal…Mabuhay ang Marikina!”pahayag ni Mayor Marcy Teodoro bilang pangunahing panauhing pandangal ng programa.

Binigyang pugay din ng lungsod ang bayani, sa pamamagitan ng isang payak na seremonya, na ginanap sa harapan ng Leodegario Victorino Elementary School sa Jesus Dela Peña. Dito itinatag ang unang komunidad sa Marikina.

Sinariwa ni Mayor Marcy ang alaala ni Rizal at sinabi na buhay ang kanyang kabayanihan sa bawat Pilipino.

Tulad na lamang sa Marikina, na hindi iisang tao lamang ang magaling, bagkus ang mga taong nagtutulong-tulong at nagsasama-sama upang iahon hindi lamang ang sarili kundi ang buong lungsod, ani Teodoro.

Nasa pagtitipon din si Vice Mayor Marion Andres, mga konsehal at opisyal ng lungsod, Marikina PNP, Kinatawan ng Barangay Jesus Dela Peña, Knights Of Rizal at iba pang NGO. (Marikina PIO/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch