PDEA Regional Office XII (Photo grabbed from PDEA Region XII Facebook Page)
KORONADAL CITY, South Cotabato (PIA) -- Tuluyan nang nilisan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) XII ang kanilang lumang gusali sa Camp Fermin Lira Jr. sa General Santos City at lumipat sa bago nitong tanggapan sa Koronadal City.
Sa pamamagitan ng isang public advisory sa kanilang Facebook page, inihayag ng PDEA XII na simula Enero 3,nasa Soccsksargen Prime Regional Center, sa Carpenter Hill sa lungsod ng Koronadal na ang tanggapang pangrehiyon ng PDEA.
Kasabay nito, may bago na rin silang contact number -- (083) 878-6649.
Maaari rin silang matawagan o ma-text sa kanilang hotline numbers na 0905-223-3425 (Globe) at 0922-618-7335 (Smart.
Sa mga nagnanais, makipag-ugnayan sa PDEA XII sa pamamagitan ng email, narito ang kanilang email addresses: ro12@pdea.gov.ph at pdeagsc@yahoo.com.au para sa operations at ro12.admin@pdea.gov.ph at pdea_ad12@yahoo.com para sa administrative concerns.
Matatandaang unang pinasiyaan ang bagong PDEA 12 Building sa regional center noong ika-22 ng Setyembre ng nakalipas na taon. Mismong si PDEA Director General Wilkings Villanueva ang nanguna sa blessing and turn-over ceremony.
Ginastusan ng naturang gusali ng P20 milyon at itinayo sa lote na ibinigay ng pamahalaang panglungsod ng Koronadal sa administrasyon pa ni dating Mayor Peter Miguel.
Ayon kay Kathryn Gaye Abad, information officer ng PDEA XII, ang iniwang gusali ng regional office sa Camp Fermin Lira Jr. ay gagawing opisina ng PDEA Sarangani-General Santos City Provincial Office. (DED-PIA XII)