No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

LTO Cotabato District Office, licensing center nasa pangangasiwa na ng MOTC-BARMM

LUNGSOD NG COTABATO (PIA)--Isinailalim na sa pangangasiwa ng Ministry of Transportation and Communications (MOTC) ng BARMM ang pamamahala at operasyon ng Land Transportation Office (LTO) Cotabato District Office at Licensing Center sa lungsod.

Ito ay matapos pangunahan nina MOTC Minister Dickson Hermoso, BARMM Chief Transportation Development Officer Anwar Upahm, at LTO-Regional Office XII Regional Director Macario Gonzaga ang isinagawang turn-over kamakailan.

Sa kanyang naging pahayag, binigyang-diin ni Hermoso na ang nasabing aktibidad ay isa sa mga natamo ng gobyerno mula sa peace process sa rehiyon ng Bangsamoro.

Samantala, sa kanyang mensahe ay pinagtibay ni Gonzaga ang pangako ng tanggapan sa nasabing turn-over bilang mandato ng batas.

Kabilang din sa itu-turn-over ang iba pang mga tanggapan ng LTO tulad ng nasa lungsod ng Marawi. (With reports from Bangsamoro Government).

About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch