No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mangsee Island mayroon nang malinis na tubig sa pamamagitan ng ‘desalination’

Mangsee Island mayroon nang malinis na tubig sa pamamagitan ng ‘desalination’

Pinakikinabangan na ng mga residente ng Mangsee Island ang malinis na tubig na hatid ng water system project ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan. (Larawan ni Rogie Florida/PIO-Palawan)

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Napapakinabangan na ng mga residente ng Mangsee Island sa Bayan ng Balabac ang malinis at ligtas na inuming tubig mula sa water system project ng pamahalaang panlalawigan.

Ang Mangsee Water System Project ay sa pamamagitan ng reverse osmosis desalination kung saan ang tubig dagat ay idinadaan sa isang proseso upang maging tubig-tabang at may kalidad at malinis na inuming tubig.

Sinimulan ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Palawan Water ang pagtatayo ng proyektong ito noong Hunyo 2020 na nagkakahalaga ng P20 milyon.

Noong Enero 14, nagsimula na itong magserbisyo sa nasabing islang barangay na inaasahang mabibiyayaan nito ang nasa 1,764 kabahayan.

Ang Mangsee Island ay nasa 40 ektarya lamang at isa sa pinakamalayong barangay sa bahaging sur ng Palawan. May layo itong 297 kilometro mula sa Lungsod ng Puerto Princesa at mayroong kabuuhang populasyon na 8,822 ayon sa 2020 Census of Population ng Philippine Statistics Authority (PSA). (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch