No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Resbakuna sa Botika inilunsad sa Parañaque

Nagkaroon ng ceremonial vaccination matapos ang pormal na paglulunsad ng Resbakuna sa Bakuna sa Lungsod Parañaque sa pakikipagtulungan ng The Generics Pharmacy sa Barangay Sun Valley.

LUNGSOD PARAÑAQUE, (PIA) -- Pormal nang binuksan ang pagbabakuna sa mga Botika ng Lungsod ng Parañaque ngayon Biyernes alinsunod sa panuntunan ng Department of Health (DOH) at COVID-19 Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Pinangunahan ang programa ni Secretary Vince Dizon, Presidential Adviser for Flagship Program and Projects and Deputy Chief Implementer National Task Force Against Covid-19 kasama si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez sa paglulunsad) na ginanap sa pakikipagtulungan ng The Generics Pharmacy (TGP) sa Barangay Sun Valley,  Parañaque.

Pinasasalamatan naman ng Lungsod ng Parañaque ang lahat ng ahensya na katuwang sa programang ito na naglalayong mapabilis at mapadali ang pagbabakuna sa bawat mamamayan.

Dumalo din sa okasyon sina Congressman Eric L. Olivarez, Vice Mayor Rico Golez, City Council Members, Dr. Amy Medina DOH Chief Division, Dr. Olga Virtusio ng Parañaque City Health Office, Barangay Sun Valley Chairman Chaky Cortez at pamunuan ng The Generics Pharmacy (TGP) sa pamumuno ni Ms. Robina Gokongwei-Pe, President and CEO - TGP. (PIA-NCR)



About the Author

Alehia Therese Abuan

Writer

NCR

Feedback / Comment

Get in touch