LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato (PIA) -- Sa kabila ng COVID-19 pandemic, umabot sa 59,841 katao ang nakapag-enrol sa mga kursong hatid ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Rehiyon Dose nitong nakalipas na taon.
Ito, ayon sa pagtaya ng naturang ahensiya, ay 114% na mas mataas kung ikukumpara sa target nila sa pagsisimula ng 2021.
Kabilang sa mga direktang nakinabang sa mga skills development courses ng TESDA 12 ay 18,302 na indigenous people; 12,002 na mga manggagawa sa Build, Build, Build program ng pamahalaang nasyunal; 966 na mga dating rebelde; 395 na reforming drug dependents; 224 na preso; at 681 na dating OFW.
Kasama ring nakinabang sa mga kurso ng TESDA 12 ang 7,988 na biktima ng kalamidad, 3,040 na 4Ps beneficiary; 2,321 na mga senior citizen; 1,594 na agrarian reform beneficiary, at marami pang iba.
Sa kanyang Facebopk, post, binigyang-diin ni TESDA 12 Regional Director Rafael Abrogar II na magpapatuloy sila sa pag-abot sa mga mamamayang nangangailangan ng kanilang serbisyo kahit may banta pa ng pandemya.
Nagpasalamat din siya sa mga partner at mga technical and vocational education and training stakeholders na kinabibilangan ng mga technical and vocational institutes, industry partners, mga lokal na pamahalaan, national government agencies, congressional partners, men in uniform, at ang publikong pinagsisilbihan.
"Thank you for your belief in TESDA and in our capacity to change lives for the better," ani Abrogar. (DED-PIA XII)