LUNGSOD QUEZON, (PIA) --Nagbigay ng limang (5) limang Type 1 Ambulance ang Department of Health – Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) sa lungsod ng Mandaluyong, kahapon araw ng Huwebes, ika-27 ng Enero, 2022.
Ito ay sa pangunguna ng Health Facilities Enhancement Program Management Unit (HFEPMU) ng MMCHD na naglalayong makapagbigay ng magandang kalidad ng ambulansya, mapabilis ang serbisyo publiko at maihatid ng ligtas ang mga pasyente sa mga health facilities.
Sa pamamagitan ng karagdagang limang ambulansya, sinabi ni DOH-MMCHD Regional Director Gloria J. Balboa, na inaasahan niyang mas maraming pasyente ang matutulungang maihatid sa mga ospital lalo na ngayong nananatili ang pandemya bunsod ng COVID-19.
Lubos namang nagpasalamat sina Dr. Arnold C. Abalos, Officer-in-Charge ng City Health Office (CHO) ng Mandaluyong, National Center for Mental Health (NCMH) Transportation Section Representative Mr. Rovigildo Dante, at ang kumatawan kay Mandaluyong Representative Neptali "Boyet" Medina Gonzales II na si Mr. Toshio Emadin Tuya Jr. sa ipinagkaloob na donasyonna l ng DOH-MMCHD.
Ang limang ambulansya ay inaasahang ipapamahagi ng lungsod ng Mandaluyong sa Saniboy Health Center, Block 37 at 37 Health Centers, Communication Command and Control Center (C3) Mandaluyong, Vergara Health Center, at NCMH. (DOH MMCHD/PIA-NCR)