GENERAL SANTOS CITY (PIA) -- Matagumpay ang pagtatapos ng Leadership for Adolescent and Youth-Friendly Cities (LAYFC) Module 1 formal training para sa City Leadership Teams (CLTs) noong January 28 sa City Park Hotel, Gensan.
Inorganisa ito ng Zuellig Family Foundation (ZFF), The Challenge Initiatives (TCI) Philippines, at ng Population Commission on Population and Development o POPCOM, na nagsusulong na gawing "Adolescent and youth-friendly" ang mga lungsod upang matutukan ang usapin na may kinalaman sa Adolescent and Youth Sexual and Reproductive Health (AYSRH).
Ang CLT ng lungsod ay pinamumunuan ng City Population Management Office (CPMO) department head na si Judith C. Janiola, at sinusuportahan ng Local Chief Executive, Sangguniang Panlungsod, mga NGO, at mga NGA.
Layunin nito ang mapag-usapan ang mga sistema ng pamahalaan at mga programang tumutugon sa pagresolba ng mga kaso ng teenage pregnancies sa lungsod, sa pamamagitan ng kolaborasyon ng komunidad at ng mga lider kabataan. (Harlem Jude Ferolino)