No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga estudyante sa BARMM, makakabenepisyo sa reading materials mula sa USAID

LUNGSOD NG COTABATO (PIA)--Abot sa 94,000 K to 3 na mga mag-aaral sa rehiyon ng BARMM ang inaasahang makakabenepisyo mula sa reading materials na ipinamahagi kamakailan ng United States Agency for International Development (USAID) sa Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) ng BARMM.

Ang nasabing reading materials ay isinalin sa wikang Maguindanaon na bahagi ng ABC + Project ng USAID. Layon nito na matulungan ang mga mag-aaral na Bangsamoro.

Ayon sa MBHTE, malaking tulong ang nasabing mga kagamitan sa pagpapatupad ng limited face-to-face learning modality sa rehiyon.

Maaari ring ma-access ang digital versions ng reading materials sa Department of Education portal.

Ang USAID ABC+ Project ay ipinatupad sa pakikipagtulungan ng RTI International, kasama ang Asia Foundation, SIL LEAD, at Florida State University. (With reports from MBHTE-BARMM).


About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch