No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Ramadan Economic Assistance para sa mga empleyado ng BARMM, isinusulong ng BTA

LUNGSOD NG COTABATO (PIA) -- Inihain ni Member of Parliament Atty. Omar Yasser Sema ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) ang panukalang batas na nagpapahintulot sa pamahalaan ng BARMM na bigyan ang mga opisyal at empleyado nito ng economic assistance package sa buwan ng Ramadan.

Ang Parliament Bill 171 o ang Ramadan Economic Assistance and Relief Act of 2022 ay magbibigay ng tulong katumbas ang isang buwang sahod sa lahat ng mga opisyal at empleyado ng BARMM, regular man, co-terminus, job order, o kontraktwal na nagsilbi nang hindi bababa sa apat na buwang serbisyo bago ang buwan ng Ramadan.

Ayon kay Sema, ang mga opisyal at empleyado na nagtatrabaho sa BARMM sa loob ng tatlong buwan ay makatatanggap ng 50% ng kanilang buwanang sahod, 40% para sa nagtrabaho ng dalawang buwan, 30% sa isang buwang trabaho, at 20% para sa mga nagtrabaho ng mas mababa sa isang buwan.

Dagdag pa ni Sema ang pondo na kinakailangan para maipatupad ang nasabing panukala ay kukunin mula sa available fund ng rehiyon at ang halaga ay isasama sa taunang Bangsamoro Appropriations Act sa mga susunod na taon.

Ang nasabing grant ayon pa kay Sema ay dapat ibigay isang linggo bago ang buwan ng Ramadan ngunit hindi lalampas sa ika-15 araw ng parehong buwan. (With reports from Bangsamoro Transition Authority).





About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch