No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Paglalagay ng abo sa noo ngayong Ash Wednesday, aprubado na ng CBCP

LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Matapos ang dalawang taon, muling pinahihintulutan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang paglalagay ng abo sa noo sa darating na Ash Wednesday (Marso 2) - bilang hudyat ng pagsisimula ng Kuwaresma sa taong ito.

Sa ipinalabas na gabay ni Most Rev. Victor B. Bendico, D.D., papayagan na muling pahiran ng abo sa mga noo ng mga mananampalatayang Katoliko.

We will revert to the imposition of ashes on the forehead of the faithful.”

Ang Ash Wednesday ngayong taon ay gaganapin sa Marso 2.

Nakasaad din sa naturang alituntunin na maaari pa rin ang pagbudbod ng abo sa ulo.

Siniguro naman ng CBCP na patuloy nitong ipatutupad ang health and safety protocols gaya pagsusuot ng face mask at physical distancing tuwing sa mga pagdiriwang ng liturhiya, at palagiang pag-sanitize ng mga simbahan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. (CBCP/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch