No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DA-PhilRice Midsayap hinikayat ang mga magsasaka na makinabang sa programa ng ahensya

MIDSAYAP, Lalawigan ng Cotabato (PIA) -- Hinikayat ng Department of Agriculture-Philippine Rice Research Institute o DA-PhilRice Midsayap ang mamamayan, lalo na ang mga magsasaka na pakinabangan ang mga programa ng ahensya lalo na ang Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF Seed and Extension Program.

Ayon kay Gilbert Romarez, project development officer ng DA-PhilRice Midsayap, ang RCEF ay hindi lamang nakatuon sa pamamahagi ng inbred rice seeds kundi maging sa pagsasagawa ng mga pagsasanay hinggil sa rice farming. Ito ay sa pamamagitan ng Training of Trainers, Farmer Field School, at Palaysikatan.

Ani Romarez, kung may tamang kaalaman ang mga magsasaka, may posibilidad ang pagkakaroon ng mataas na produksyon at mababang gastos sa pagsasaka. Ito ay dahil sa tinuturuan ang mga magsasaka ng iba’t ibang pamamaraan ng pagtatanim gamit ang mga makabagong teknolohiya.

Samantala, inihayag niya na sa ngayon mas pinaayos na ang pamamahagi ng binhi ng palay sa pamamagitan ng Binhi e-padala. Gamit ang makabagong teknolohiya, makatatanggap ng text message ang mga benepisyaryong magsasaka kung anong variety ng palay ang kanilang matatanggap at kung saan nila ito maaaring kunin.

Para sa mga katanungan, maaaring bisitahin ang facebook page na DA-PhilRice Midsayap o tumawag o magtext sa PhilRice text center 09171117423.

Kabilang sa mga siniserbisyuhan ng DA-PhilRice Midsayap ang ilang bahagi ng Rehiyon Dose at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.





About the Author

Shahana Joy Duerme-Mangasar

Writer

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch