LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Sa pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong Marso, pinangunahan ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos ang groundbreaking ceremony para sa itatayong Mandaluyong City Protection Center for Women, Children and LGBTIQ.
Ayon sa pamahalaang lungsod, magsisilbi ang protection center bilang pansamantalang kanlungan na kakalinga sa mga kababaihan, kabataan, at LGBTIQ na biktima ng karahasan at pang-aabuso.
Kaisa ng pamahalaang lungsod sa proyektong ito ang City Gender and Development Office, City Engineering, at City Planning.
Ang tema ng pagdiriwang ngayong National Women’s Month Celebration ay “We Make Change Work for Women,” kung saan binibigyang-diin nito ang pagbibigay kapangyarihan sa mga kababaihan bilang bahagi ng pag-unlad. (Mandaluyong City/PIA-NCR)