No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

BPAT members sa lalawigan ng Cotabato, sumailalim sa Standard First Aid Orientation

MAGPET, Lalawigan ng Cotabato (PIA) -- Sumailalim kamakailan sa Standard First Aid Orientation ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team o BPAT ng Barangay Noa sa bayan ng Magpet.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office. Ito ay upang mabigyan ng dagdag na kaalaman ang mga miyembro sa pagresponde sa panahon ng sakuna.

Maliban sa oryentasyon, nabigyan din ang mga BPAT member ng Disaster Preparedness Handbooks at iba pang education and information materials.

Ang oryentasyon ay isa lamang sa mga aktibidad na isinagawa sa barangay ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Nagkakaisang Adhikain para sa Cotabateños-Local Serbisyo Caravan.

Ilan pa sa mga aktibidad sa ilalim ng caravan ay ang pamamahagi ng mga ayudang pang-agrikultura, food packs, mga gamot at bitamina, health kits, at buntis kits.

Dagdag pa rito, nabigyan din ng pinasyal na tulong ang mga may-ari ng maliliit na negosyo. Ipinamahagi rin sa ilang residente ang PhilHealth card at nabigyan sila nang pagkakataong maiproseso nang libre ang kani-kanilang mga marriage at birth certificates.

Layon ng caravan na maihatid sa benepisyaryong komunidad ang mga libreng serbisyo at programa ng pamahalaan bilang isa sa mga hakbang upang wakasan ang insurhensya.  

Nagpaabot naman ng kanyang pasasalamat sa pamahalaang panlalawigan si Vice-Mayor Rogelio Marañon sa tulong at serbisyong natanggap ng mga taga-Barangay Noa.

About the Author

Shahana Joy Duerme-Mangasar

Writer

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch