No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga PWD sa Midsayap, kaisa ng LGU sa paglaban sa climate change

MIDSAYAP, Lalawigan ng Cotabato (PIA)—Katuwang ng lokal na pamahalaan ng Midsayap sa paglaban sa climate change ang mga Person with Disability o tinatawag ding mga Person with Dreams.

Nakilahok kamakailan sa isinagawang tree-growing activity ng Municipal Environment and Natural Resources Office o MENRO ang mga PWD ng Barangay Poblacion 1 at Barangay Anonang. Ito ay dahil sa naniniwala ang mga PWD na hindi hadlang ang kanilang kapansanan upang ipakita ang kanilang kakayahan at magbigay ng ambag sa lipunan.

Kaugnay nito, abot sa 150 punla ng bayog at 50 punla ng durian ang naitanim ng mga ito sa Sanitary Landfill ng lokal na pamahalaan sa Barangay Kimagango.

Kasama ng mga PWD na nagtanim ang mga kawani ng Regional Mobile Force Battalion o RMFB XII, 1203rd MC 3rd platoon.

Ang tree-growing activity ay pinangunahan ng MENRO. Ito ay ipinatupad sa ilalim ng Localized Greening Program ng nabanggit na opisina.

Samantala, nagpapatuloy pa rin ang ginagawang clean-up drive ng MENRO sa ilang bahagi ng bayan. Nitong nakalipas na linggo, nagsagawa ng urban clean-up drive ang MENRO sa Salunayan Creek.

Kaisa sa aktibidad ang ilang kawani ng 34th Infantry Battalion, 34th Explosive Ordnance Disposal Team, Bureau of Fire Protection, at Sangguniang Kabataan.

Nagpaalala naman ang MENRO sa mamamayan na sumunod sa wastong pamamahala at pagtatapon ng basura. (With reports from MENRO-Midsayap)

About the Author

Shahana Joy Duerme-Mangasar

Writer

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch