No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DOLE, patuloy sa pagtulong sa mga marginalized worker sa Cotabato

ALAMADA, Lalawigan ng Cotabato (PIA)—Patuloy ang ginagawang pagtulong ng Department of Labor and Employment o DOLE sa mga marginalized worker dito sa lalawigan lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Nitong Lunes, iniabot ng DOLE XII, sa pangunguna ni Regional Director Raymundo Agravante, sa lokal na pamahalaan ng Alamada ang tseke na nagkakahalaga ng P1,698,422 at sa Barangay Local Government Unit ng Malinan, Kidapawan City naman na may P363,905 na halaga. 

Ang mga ito ay laan para sa 92 marginalized worker sa bayan ng Alamada at 30 miyembro ng Malinan Farmers and Laborers Association.

Ang mga indibidwal ay benepisyaryo ng DOLE integrated Livelihood Program o DILP. Sa ilalim ng programa, nabibigyan ng livelihood projects ang mga benepisyaryo upang matulungan sila sa kanilang mga pangangailangan.

Nabatid na ang mga marginalized worker ng Alamada ay mabibigyan ng livelihood starter kits tulad ng mini karenderya, vulcanizing services, tailoring, at food vending samantalang ang Malinan Farmers and Laborers Association naman ay magkakaroon ng bakery project. (With reports from DOLE-XII)

About the Author

Shahana Joy Duerme-Mangasar

Writer

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch