LUNGSOD NG COTABATO (PIA)--Abot sa 100 dating mga Moro Islamic Liberation Front (MILF) combatants ang naging mga benepisyaryo ng isang buwang pagsasanay na isinagawa ng pamahalaan ng BARMM sa pamamagitan ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education – Technical – Technical Education and Skills Development Education and Skills Development (MBHTE-TESD).
Ang MILF combatants at mga miyembro ng kanilang pamilya ay nakapagtapos ng short courses sa electrical installation at maintenance at organic fertilizer production.
Sinabi ni MBHTE-TESD Director General Engr. Ruby Andong na dahil ang ilan sa mga decommissioned MILF combatant ay mga senior citizen na wala kakayahang lumahok sa skills training ay pinahintulutan ng MBHTE-TESD ang kanilang mga pamilya na lumahok sa pagsasanay.
Ang mga nagsitapos ay nakatanggap ng certificates of completion sa isinagawang seremonya noong Lunes sa Datu Pandan bayan ng Talitay sa probinsya ng Maguindanao
Samantala, simula noong Enero ng taong kasalukuyan ay abot na sa 1,394 na MILF ang nasanay ng MBHTE-TESD at nakapagtapos sa mga kursong welding, electrical installation at maintenance, agricultural farming, dressmaking, cookery, shielded metal arcs welding, at iba pa. Layun nito na matulungan ang mga dating combatant para sa kanilang paghahanap ng trabaho. (With reports from BIO-BARMM).