No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Buwan ng Panitikan ipinagdiriwang ngayon Abril

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Sa pangunguna ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA), Komisyon sa Wikang Filipino (KWF); at Pambansang Lupon para sa Pagpapaunlad ng Aklat (National Book Development Board – Philippines), ipinagdiriwan tuwing buwan ng Abril ang Buwan ng Panitikan alinsunod sa Proklamasyon Bilang 968 na nilagdaan noong 2015.

Ngayong taon, ang pagdiriwang ay may ipinagdiriwang ay may temang “Muling Pagtuklas sa Karunungang-Bayan” bilang paghihikayat at paraan ng pagpapasigla ng interes ng kasalukuyan at nakaraang henerasyon pagdating sa pag-aaral, muling pagtuklas, at pangangalaga sa mga kuwento at karunungang-bayan at ng iba’t iba nitong mga porma at anyo.

Sa mga nakalipas na taon, ang Buwan ng Panitikan ay ipinagdiwang na sa iba’t ibang rehiyon ng bansa. Bunsod ng mabisang pakikipagugnayan sa iba’t ibang institusyong pansining at pangakademiko, gayun din ang iba pang organisasyong nagtataguyod ng panitikan, iba’t ibang mga grupo na ang nagpakita ng interes sa pakikiisa at ang ilan ay nagsasagawa na ng kanikaniyang programang pampanitikan tuwing buwan ng Abril.

Bagaman nagkaroon ng malaking pagbabago bunsod ng pangmalawakang sitwasyong pagkalusugan na hatid ng Covid-19 virus, nagpapatuloy parin ang mga programang pampanitikan sa iba’t ibang online platforms mula noong 2020. (NCCA/PIA-NCR)


About the Author

Alehia Therese Abuan

Writer

NCR

Feedback / Comment

Get in touch