Pinangunahal ni Mayor Jaime Fresnedi at Long Jump Queen of the Philippines Elma Muros-Posadas ang pagpapsinaya ng bagong Muntinlupa Track & Field Oval sa Barangay Tunasan.
LUNGSOD QUEZON, (PIA) --Pinasinayaan ngayon Martes Abril 19, 2022 ang Muntinlupa Track and Field Oval sa Lungsod Muntinlupa.
Ang pasilidad ay isang 8 lane 400 meters International Standard oval na nasa 2-hectare land sa Barangay Tunasan.
Nagtataglay ito ng warm up lane, soccer field, long and triple jump, shotput, javelin throw, discus throw, at water jump. Magkakaroon rin dito ng Control room at Bleacher Building para sa ating mga atleta.
Ang imprastraktura ay bahagi ng mga ipinangakong proyekto ni Mayor Jaime R. Fresnedi para sa mga atletang Muntinlupeno.
Dumalo at nagbigay ng mensahe si ang Long Jump Queen of the Philippines Elma Muros-Posadas. Na isa ding Heptathlon champion.
Dumalo din ang mga pinuno ng tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa, School Division Superintendent Carleen Sedilla (CESO V), Konsehales: Ivee Arciaga Tadefa, Atty. Raul Corro, Louie Arciaga, Allan Camilon, Arlene Hilapo, Metong Sevilla, at mga aspiring councilors na sina Jedi Presnedi at Rachel Arciagan at Youth Affairs and Sports Development Office sa pamumuno ni Cynthia Viacrusis. (PIO Muntinlupa/PIA-NCR)