No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Amnestiya para sa transfer tax, pinalawig ng Marikina LGU

LUNGSOD QUEZON, (PIA) – Pinalawig pa ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina ang amnestiya sa transfer tax upang matulungan ang mga naiwan ng mga pumanaw na may-ari ng lupa o mga benepisyaryo nito.

Ito’y matapos lagdaan kamakailan ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro ang Ordinansa Bilang 28, s. 2022 o ang “Ordinance Amending Ordinance 182, Granting Relief on Surcharges and Interests on Transfer Tax of Real Property Ownership,” na ginawang zero interest o walang multa ang Transfer Tax upang makabawas sa alalahanin ng mga pamilyang naiwan.

Ayon kay Mayor Teodoro, prayoridad ng pamahalaang lungsod ang pagsalba at paglago ng kabuhayan mga taga lungsod Marikina bilang bahagi ng COVID recovery program.

Sa ilalim ng naturang programa, 100 porsiyento (100%) ang amnestiya na ibibigay sa transfer tax. (Marikina City/PIA-NCR)

About the Author

Alice Sicat

Information Officer IV

Feedback / Comment

Get in touch