No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

'Kadiwa ni Ani at Kita' bibisita sa Marikina sa Mayo 13-14

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Sariwang ani at pangunahing bilihin, ito ang hatid ng “Kadiwa ni Ani at Kita” sa Lungsod Marikina.

Sa pangunguna ng Department of Agriculture at ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina, ang naturang programa ay magaganap sa darating na Mayo 13 hanggang 14 (Biyernes at Sabado), mula alas-6 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon sa Barangay Marikina Heights Covered Court

Layunin ng naturang programa na masiguro na ang mga murang bilihin ay mas maipalapit pa sa bawat pamilya.

Samantala, paalala ng pamahalaang lungsod na panatilihin ang minimum health protocols habang nasa loob ng nasabing pamilihan. (Marikina City/PIA-NCR)

About the Author

Alice Sicat

Information Officer IV

Feedback / Comment

Get in touch