No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Dept of Agriculture, naglaan ng P2.2B para sa mga State Colleges and Universities

LUNGSOD QUEZON (PIA) -- Upang palaguin pa ang produksyon sa agrikultura ng bansa, naglalaan ng nasa P446 milyon taun-taon ang Department of Agriculture (DA), sa pamamagitan ng kanilang Bureau of Agricultural Research (BAR), sa mga state universities and colleges (SUCs) upang suportahan ang kanilang research for development, technology commercialization, mga pasilidad, at mga iskolarship.

This is not the first time we are doing this, but we need more output and convincing outcomes arising from these investments. Please keep elevating your game. (Hindi ito ang unang pagkakataon na gagawin natin ito, ngunit kailangan natin ng mas maraming output na nakakakumbinsi mula sa investments na ito.),” panghihimok ni Agriculture Secretary William D. Dar sa mga opisyal ng dumalo siya sa SUC Inclusive Innovation Conference kamakailan lang.

Bilang pangunahing tagapagsalita sa kumperensyang inorganisa ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga kampeon at lider ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, akademya, at industriya, sinamantala ng Kalihim ang pagkakataong magbigay babala sa paparating na krisis sa pagkain.

Partikular na tinalakay ng agri chief kung paano matutulungan ng mga SUC ang DA at ang bansa na harapin ang umiiral at paparating na hamon sa national food security.

"Given all these challenges, there should be increased pressure on agricultural leadership to up the ante on government interventions. Our SUCs have to be at the forefront of the fight, not in the over-intellectualized fringes. (Dahil sa lahat ng mga hamon na ito, dapat magkaroon ng mas mabigat na pressure sa pamunuan ng agrikultura upang itaas ang pagtuturing sa mga interbensyon ng gobyerno. Ang ating mga SUC ay kailangang nangunguna sa laban, hindi sa sobrang intelektwalisasyon.),” ayon pa kay Sec. Dar.

Idinagdag pa niya na ang mga dapat bigyang pokus ng mga institusyong pang-edukasyon ay ang mas malalim na pagsasaliksik at pagsasaloob ng kanilang mga tungkulin sa pagsisikap na magkaroon ng seguridad sa pagkain ang ating bansa dahil ang SUCs ay ang nangunguna sa pagpapalago ng pambansang kaunlaran.

Ipinaliwanag pa ni Sec. Dar na kung ang mga host na lalawigan ng SUCs ay walang kaalam-alam tungkol sa mga tagumpay ng kanilang pananaliksik, ito ay walang silbi. Kaya ang mga epekto ng SUC sa mga lalawigan ay maaaring magsilbing pamantayan ng kanilang halaga sa pambansang kaunlaran.

Academic excellence is not enough. Latent relevance is not enough. You must also have the will to be relevant and to fight for impact,” paalala ng Kalihim. (DA / PIA-NCR)

About the Author

Alice Sicat

Information Officer IV

NCR

Assistant Regional Director of PIA-NCR

Feedback / Comment

Get in touch