No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

MMDA, kaisa ng DOH sa kampanya kontra dengue

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Kaisa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa panawagan ng Department of Health (DOH) sa pagpapaigting ng kampanya kontra dengue lalo na ngayong panahon ng tag-ulan at pandemya.

Paalala ng MMDA, ugaliin ang tamang pagtatapon ng basura sa tamang lagayan dahil ito ay nagsisilbing "breeding ground" ng lamok na may dalang dengue.

Gawin ang ‘4S’ habit kontra dengue para mabigyang proteksyon ang sarili at linising maigi ang mga lugar na maaaring pamugaran ng lamok:

· Suyurin at Sirain ang pinamumugaran ng mga lamok

· Sarili ay protektahan laban sa lamok

· Sumangguni agad sa pagamutan kapag nakaramdam ng sintomas

· Sumuporta sa ‘fogging/spraying’ kapag may banta sa outbreak

Dagdag paalala ng MMDA na ang kalinisan sa sarilli at kapaligiran ang mabisang paraan para sugpuin ang sakit na dengue. (MMDA/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch