No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Baragatan sa Palawan Festival 2022, kasado na

Baragatan sa Palawan Festival 2022, kasado na

Isa ang Saraotan sa Dalan o Street Dancing Competition sa may pinakamalaking papremyo sa mga patimpalak sa gaganaping Baragatan sa Palawan Festival 2022. Isang milyong piso ang tatanggapin ng mananalong Lokal na Pamahalaan Bayan sa Palawan sa nasabing patimpalak. (Larawan mula sa PIO)

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Nakahanda na ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan para sa pagkakaroon muli ng Baragatan sa Palawan Festival.

Ang aktibidad na ito ay kaugnay ng ika-120 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Gobyerno Sibil ng Palawan na ipinagdiriwang tuwing Hunyo 23.

Inilatag na ng pamahalaang panlalawigan ang mga aktibidad tungkol dito, tulad na lamang ng iba’t-ibang patimpalak. Nariyan ang Palawan Pop Idol, Kwentong Palawenyo Vlogging Competition, Henyong Palawenyo Provincial Quiz Bee, Tiktok Challenge at marami pang iba.

May mga palaro din tulad ng basketball, boxing, table tennis, frisbee at badminton.

Pinaka-aabangang din ang mga malalaking patimpalak tulad ng Mutya ng Palawan, Saraotan sa Dalan (Street Dancing), Float Parade, Paantiguan, Caraenan at marami pang iba na kagigiliwan ng mga Palawenyo.

Isasagawa ang soft opening nito sa Hunyo 10 sa pamamagitan ng isang misa at pagbabasbas ng mga kubol para sa LGU and Private Trade Fair. Sa Hunyo 17 naman ang Grand Opening kung saan ay matutunghayan dito ang Ulat sa Bayan ni Gob. Jose C. Alvarez.

Naglalakihang gantimpala naman ang matatanggap ng mga magwawagi sa iba’t-ibang patimpalak.

Magtatagal hanggang Hunyo 30 ang nasabing pagdiriwang na karamihan ay matutunghayan sa Provincial Capitol Compound.

Pinapayuhan na rin ng pamahalaang panlalawigan ang mga nais makiisa sa Baragatan na palagiang dalhin ang vaccination card/certificate dahil ang mga mayroon lamang nito ang papapasukin sa mga lugar na pagdadaosan ng iba’t-ibang aktibidad sa Baragatan.

Ang mga hindi bakunado ay kinakailangan namang magpresenta ng negative antigen results bago sila makakapasok sa mga event venue. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch