No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Halos 3,000 trabaho handog ng DOLE 12 sa Hunyo 12

LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato (PIA) -- Halos 3,000 trabaho ang maaring aplayan sa Hunyo 12, kasabay ng pagdiriwang ng ika-124 na pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan. 

Batay sa inilabas na patalastas ng Department of Labor and Employment (DOLE) 12, gagawin ang  face-to-face na Trabaho Negosyo at Kabuhayan (TNK) Job and Business Fairs sa convention and events center ng KCC Mall of Gensan sa General Santos City. 

Sa paunang tala ng DOLE 12, aabot na sa 2,843 na trabaho ang handog ng 40 na local  employers. Inaasahang tataas pa ang bilang na ito bago ang mismong araw ng job fair. 

Kaugnay rito, hinihikayat ng DOLE 12 ang mga aplikante na bisitahin ang DOLE 12 job portal gamit ang link na  http://ejobfair.dole12.info/ para makapag-pre-register at makita ang mga bakanteng trabaho na maaaring aplayan. 

Ang mga online registrants ay bibigyan ng QR Code para mabawasan ang oras na kanilang gugugulin sa pagpila sa lugar na pagdausan ng job fair.  

Ang 2022 Independence Day TNK Job and Business Fairs ay lalahukan din ng Department of Trade and Industry (DTI), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG), Bureau of Internal Revenue (BIR), Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Tourism (DOT), National Bureau of Investigation (NBI), at Philippine Statistics Authority (PSA), kasama and  DOLE – Regional Coordinating Committee (RCC) XII members na magbibigay ng kani-kanilang serbisyo. 

Magsasagawa ng orientation sa pagnenegosyo ang DTI samantalang magkakaroon ng skills demonstration ang TESDA.  May National ID registration naman ang PSA. 

Sa naturang aktibidad, ilulunsad din ng DOLE ang  Department Order No. 233-22, ang mga panuntunan sa pagbibigay ng libreng COVID-19 testing para sa bagong tanggap na mga trabahante, sa pamamagitan ng pagpirma ng memorandum of agreement kasama ang mga Department of Health-accredited testing centers. (with report from DOLE 22 Technical Services) 

About the Author

Danilo Doguiles

Officer-in-Charge

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch