No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pagpapaigting ng Red Orchid Awards tinalakay sa RTCN XII meeting

GENERAL SANTOS CITY (PIA) -- Tinalakay sa pangalawang pagpupulong ng Regional Tobacco Control Network (RTCN) XII noong nakaraang Huwebes ang pagpapaigting ng implementasyon ng Red Orchid Awards (ROA).

Ang ROA ay kumikilala sa mga ahensya ng gobyerno, kasama ang local government units, kaugnay sa kanilang ginagawang pagsisikap sa pagkontrola ng tabako at paninigarilyo nito dahil sa masamang dulot o epekto nito sa kalusugan.

Binabase ang pagpili sa mga mananalo ng ROA ang mga sumusunod na pamantayan na hango sa World Health Organization.

M- monitor tobacco control policies
P- protect people from tobacco smoke
O- offer help to quit tobacco use
W- warn against the dangers of tobacco
E- enforce bans on tobacco advertising
R- raise taxes on tobacco

Bukod sa implementasyon ng ROA, nagbigay din ng "updates or reports" ang mga member agencies ukol sa mga adbokasiyang pagkontrola ng "tobacco use" na kasalukuyang isinusulong nila sa kani-kanilang mga departamento.

Napagkasunduan din ng mga miyembro ng RTCN XII ang iba pang mga aktibidad upang mas maipaalam pa sa publiko ang mga masasamang naidudulot ng pagtatabako kasama na ang paggamit ng "vape" sa katawan ng tao at sa kapaligiran, katulad na lamang ng palagiang pag-update ng social media pages ng mga kasaping ahensya, at pagsagawa ng iba pang mabibisang stratehiya. (Harlem Jude P. Ferolino/PIA-SarGen)


About the Author

Harlem Jude Ferolino

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch