No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Makiisa sa Q2 online NSED, hikayat ng NDRRMC sa publiko

LUNGSOD CALOOCAN (PIA) – Muling hinihikayat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Office of Civil Defense (OCD), ang publiko na makiisa sa gaganaping Second Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill o NSED sa Huwebes, Hunyo 9, 2022.

Gaganapin ang programa ng online NSED alas 8:00 AM at live na mapapanood sa NDRRMC at Civil Defense PH Facebook pages.

Nakatakdang magbigay ng mensahe sina Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana, NDRRMC Executive Director Usec. Ricardo Jalad at iba pang opisyal ng pamahalaan.

 Kaugnay ng Second Quarter NSED, nagsagawa ang OCD ng webinar on “DRRM Across Sectors: Navigating Resilience in Migrant Work, Urban Settlements and the Informal Working Environment” Lunes, Hunyo 6, 2022.

Nagsagawa din ng online functional exercise ng Cagayan RDRRMC at Provincial DRRMC ng Tuguegarao Martes, Hunyo 7, para sa kanilang kahandaan laban sa lindol.

Patuloy ang panawagan ng pamahalaan sa lahat na maging handa anumang oras at makiisa sa mga programa at gawain na may layuning palakasin ang kahandaan ng bawat mamamayan at pamilya mula sa banta ng lindol at iba pang panganib. (OCD/PIA-NCR)

About the Author

Susan De Leon

Assistant Regional Head

NCR

IO 3

Feedback / Comment

Get in touch