No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Malabon, nalampasan na ang target sa Chikiting Bakunation Days 

PIA-NCR file photo


MAYNILA, (PIA) -- Masayang ibinalita ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon na nalampasan na nito ang target na bilang ng mga batang dapat mabakunahan sa Chikiting Bakunation Days.

Ang Chikiting Bakunation Days ay programa ng Department of Health (DOH) at City Health Department na naglalayong protektahan ang mga bata mula sa mga vaccine-preventable diseases gaya ng diptheria, tetanus, hepa, polio, tigdas, pneumonia at iba pa. 

Ayon sa datos ng DOH, nakapagtala ang lungsod ng mahigit 2,000 o 101.57% na bilang ng mga batang edad dalawa pababa ang nabakunahan na sa ilalim ng nasabing programa.

Pangalawa naman ang Malabon sa mga lungsod sa Metro Manila na lumampas sa target na bilang ng DOH. 

Nakamit ito ng lungsod sa pamamagitan ng door-to-door vaccination at pagbabakuna sa lahat ng barangay health centers.

Samantala, patuloy ang ginagawang pag-iikot ng mga health workers sa lahat ng barangay para bakunahan ang mga hindi bakunadong bata hanggang June 10, 2022. (PIA-NCR)

About the Author

Jerome Carlo Paunan

Editor

NCR

Feedback / Comment

Get in touch