No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Agri chief, nais isulong ang mga binuong teknolohiya ng Bureau of Soils

LUNGSOD QUEZON (PIA) -- Kasabay ng ipinagdiriwang ng Department of Agriculture - Bureau of Soils and Water Management (DA-BSWM) ng ika-71 anibersaryo nito, kinilala ni Agriculture Secretary William D. Dar ang mga nagawa ng tanggapan at hinamon ang ahensya na isulong ang mga teknolohiyang binuo nito sa paglipas ng mga taon.

Sa kanyang mensahe, idiniin ng agri chief na ang pangunahing pinagmumulan ng produksyon ng pagkain ay mula pa rin sa matabang lupa.

Ipinaliwanag rin niya na napakakritikal na gawain ang pagtitiyak sa pagpapanatili at pangangasiwa ng mga yamang lupa at tubig.

Sa pagtaas ng presyo ng mga agricultural inputs at sa nagbabadyang krisis sa pagkain, sinabi ni Secretary Dar na malawakang itinataguyod ng DA ang Balanced Fertilization Strategy o ang kumbinasyon ng paggamit ng chemical fertilizer, organic fertilizer, at biofertilizer.

If not properly attended to, then this (food crisis) may happen right here in our footsteps. But we still have time to make it possible that we don’t have this kind of situation in the country and that’s why we have set forth the balance fertilization strategy in place. (Kung hindi maasikaso nang maayos, maaaring mangyari ito (krisis sa pagkain) dito mismo sa ating bakuran. Ngunit may oras pa tayo at posible pa na hindi tayo umabot sa ganoong sitwasyon sa bansa kaya itinakda natin ang balance fertilization strategy.),” the agri chief said.

Inatasan din ng kalihim ang BSWM na pagyamanin pa ang lahat ng mga teknolohiyang binuo nito upang mag-ambag sa pagtitiyak sa seguridad ng pagkain sa bansa.

I would like you (the BSWM and its stations nationwide) to showcase everything. Massively use balanced fertilization, good water management. Lahat iyan, showcase in a big way not only in the station, but the surrounding barangays or the municipalities where you are located. (Nais kong maipakita ninyo (ang BSWM at inyong mga sangay sa buong bansa) lahat. Malawakang gamitin ang balanced fertilization, at maayos na pangasiwaan ang patubig. Lahat iyan, ipakita ninyo at gamitin, hindi lamang sa inyong mga istasyon, kundi sa mga nakapaligid na barangay o mga munisipyo kung saan kayo matatagpuan,” ayon pa kay Sec. Dar.

Idinagdag ni Sec. Dar na dapat madiskarteng gamitin ng ahensya ang badyet nito at i-realign kung kinakailangan upang maging posible ang paglago ng mga teknolohiya.

Soil Health Card

Sa anibersaryo ng BSWM na may temang, “Malusog na Lupa at Tubig na Sagana Tungo sa Progresibong Agrikultura,” inilunsad din ng tanggapan ang Soil Health Card na isa sa mga output ng National Soil Health Program na nagsimula dalawang taon na ang nakararaan.

Ang programa ay kinapapalooban ng isang komprehensibo, kumpleto, at detalyadong monitoring card na naglalaman ng impormasyong digital ukol sa mga pangunahing kemikal, pisikal, at biyolohikal na mga parameter na magpapakita ng kalusugan ng lupa sa mga bukirin. Ang card ay ipamamahagi sa mga magsasaka at technician sa buong bansa upang itaguyod ang maayos na paggamit ng lupa.

Kailangang kailangan po yan, because we would like the farmers to be modern and technology and innovation savvy. Once he has that mindset, cultivating, understanding the new modern technologies and innovations, then that will bring him to being more productive, more profitable, more competitive and resilient. Yun po ang pakay natin para sa ating farmers. (Kailangang kailangan po iyan, dahil gusto nating ang mga magsasaka ay makabago at marunong sa teknolohiya at may makabagong ideya. Kapag mayroon siyang ganoong kaisipan, nililinang, nauunawaan niya ang mga bago at modernong teknolohiya at mga inobasyon, mas magiging produktibo siya, mas kumikita, mas may kumpitensya at matatag. Yun po ang layunin natin para sa ating mga magsasaka),” ani Sec. Dar.

Dagdag pa nito, hiniling niya sa BSWM na manghikayat ng mga mamumuhunan at pagkakaroon ng teknikal na kooperasyon, isulong ang mas tamang pananaliksik sa lupa upang mapahusay ang kalidad ng impormasyon, at i-tugma ang mga pamamaraan, pagsusukat, at tagapagpahiwatig para sa napapanatiling pamamahala at proteksyon ng mga mapagkukunan ng lupa.

Natitiyak ko na ipagpapatuloy ninyo ang inyong mabuting gawain habang nagsusumikap na paglingkuran ang ating mga magsasaka – ang sambayanang Pilipino – sa mga susunod na buwan at taon,” sabi ni Kalihim Dar sa pamilya ng BSWM. (DA-AFID / PIA-NCR)

About the Author

Alice Sicat

Information Officer IV

NCR

Assistant Regional Director of PIA-NCR

Feedback / Comment

Get in touch