No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pandemic response ng Duterte administration, sinabing matagumpay ng OCTA Research 

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Sinabing matagumpay at maganda ang naging COVID-19 pandemic response ng Duterte administration, ayon sa OCTA Research. 

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA Research na sa katunayan ay isa ang Pilipinas sa mga may pinakamagandang pandemic COVID situation sa Southeast Asia.

Bukod dito, sinabi ni David na maganda rin ang ipinakita ng bansa sa mga worldwide rankings at sana ay patuloy pang tumaas ito. 

Inihayag ni David na bagamat may mga dinaanang pagsubok at hirap, nalampasan naman aniya ang mga ito at sa huli ay masasabing tagumpay ang programa ng gobyerno laban sa COVID-19. 

Kabilang sa aniya’y success ng Duterte administration na may kinalaman sa COVID response ay ang vaccination rollout ng pamahalaan na ayon sa National Vaccination Operations Center (NVOC) ay nasa higit ng 70 milyon ang nakatanggap na ng kumpletong bakuna. (PIA-NCR)

About the Author

Alehia Therese Abuan

Writer

NCR

Feedback / Comment

Get in touch