
LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Magandang balita! Sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12, 2022 (Linggo), magbibigay ng libreng sakay ang LRT-2 para sa lahat ng pasahero nito.
Ayon sa pamunuan ng LRT-2, ang libreng sakay ay ayon sa mga sumusunod na oras:
• 7 a.m. hanggang 9 a.m.
• 5 p.m. hanggang 7:00 p.m.
Paalala sa mga mananakay na patuloy na sumunod sa health and safety protocols sa lahat ng istasyon ng LRT-2 bunsod pa rin ng pandemya dulot ng COVID-19.
Ang tema ng pagdiriwang para sa taong ito ay, “Kalayaan 2022: Pagsuong sa Hamon sa Panibagong Bukas.” (LRTA/PIA-NCR)