No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: Solar Home System, ipinamahagi sa Busuanga

Solar Home System, ipinamahagi sa Busuanga

Tinanggap ng mga benepisyaryo ang Solar Home System (SHS) sa bayan ng Busuanga, Palawan. Ang mga ito ay mula sa Department of Energy (DOE) at ipinamahagi sa pamamagitan ng mga kawani ng National Electrification Administration (NEA) kamakailan. (Larawan mula sa Busuanga Public Information Office)

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Nasa 730 Solar Home System (SHS) ang ipinamahagi sa mga benepisyaryo nito sa bayan ng Busuanga.

Ang pamamahagi ay pinangunahan ng mga kawani ng National Electrification Administration (NEA) at ng Busuanga Island Electric Cooperative, Inc. (BISELCO) katuwang ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Busuanga sa pamumuno ni Mayor Elizabeth Cervantes.

Ayon sa Pabatid ng LGU-Busuanga, sa pamamagitan ng kanilang Facebook page na Busuanga Public Information, ang mga SHS ay ipinamahagi sa malalayong kabahayan sa Busuanga na hindi naaabot ng pangunahing linya ng kuryente ng Biselco, kabilang na ang mga island communities.

Ito ay bahagi ng tinanggap ng Biselco na 1,830 units ng Solar Home System na pinondohan ng Department of Energy (DOE) sa pamumuno ni Sec. Alfonso G. Cusi.

Ang programang ito ay bahagi ng pagpapalakas ng serbisyo ng Biselco upang maisakatuparan ang pagpapailaw sa mga island barangays. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch