No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

1,340 jobseekers, nakilahok sa Independence Day job fairs sa Laguna

CALAMBA CITY, Laguna (PIA) — Umabot sa mahigit 1,340 jobseekers mula sa lalawigan ng Laguna ang nakiisa sa isinagawang dalawang araw na job fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region IV-A noong ika-11 ng Hunyo hanggang Araw ng Kalayaan, Hunyo 12.

Batay sa opisyal na tala ng DOLE IV-A, nasa 800 indibidwal ang hired-on-the-spot (HOTS) at agarang nabigyan ng trabaho sa pamamagitan ng naturang aktbidad.

Bukod dito ay umabot sa 2,195 ang naging qualified applicants, higit na mas marami sa bilang ng mga dumalo sapagkat bawat isa ay maaaring magpasa ng kanilang aplikasyon sa iba’t ibang kumpanya na nakibahagi sa naturang job fairs.

Naisakatuparan naman ang 2-day job fair sa pakikipagtulungan ng 79 employers sa DOLE Calabarzon gayundin sa DOLE Laguna Provincial Office, Department of Trade and Industry (DTI) Laguna, lokal na pamahalaan ng Calamba, Provincial Government of Laguna, at pamunuan ng SM City Calamba at MetroCentral Mall sa bayan ng Santa Cruz. — MO, PIA4A (may ulat mula sa DOLE CALABARZON)

About the Author

PIA CALABARZON

Writer

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch