LUNGSOD CALOOCAN (PIA) – Nagsimula na ngayon Lunes, Hunyo 13, ang Libreng Sakay sa Quezon Ave-Montalban (Route 7) sa ilalim ng Service Contracting Program Phase 3 ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB).
Ala-singko (5:00) ng umaga ang unang biyahe ng Libreng Sakay sa nasabing ruta, at matatapos ng alas-otso (8:00) ng gabi.
Layunin ng programa na matulungan ang mga operator at driver na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa Covid-19 pandemic at patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina.
Sa pamamagitan ng programa ay babayaran ng gobyerno ang mga kalahok nito base sa bilang ng biyahe na kanilang itinakbo kada lingo.
Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang pagseserbisyo ng Libreng Sakay sa EDSA Busway Carousel tuwing alas-kwatro (4:00) ng umaga hanggang alas-onse (11:00) ng gabi. Habang, patuloy ding nagseserbisyo ang mga operator at driver sa mga ruta na kalahok sa programa sa iba't ibang rehiyon sa bansa. (LTFRB/PIA-NCR)