No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Malusog na kidney, nakukuha sa pagiging aktibo

Kuha mula sa National Kidney Transplant Institute (File photo)


LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Sa pagdiriwang ng National Kidney Month ngayong Hunyo, paalala ng National Nutrition Council-National Capital Region (NNC-NCR) na sundin ang ilang mga paalala para mapangalagaan ang kalusugan at ang kidney.

Una ay ang pag-inom ng hindi bababa sa walong basong tubig kada araw.

Maghinay-hinay din sa pagkain ng maaalat at mamantikang pagkain.

Iwasan din ang pag-inom ng alak at paninigarilyo.

Ayon sa NNC-NCR, ang ilan sa mga paalalang ito ay makatutulong para sa malusog na bato.

Para sa taong ito, ang tema ng pagdiriwang ng National Kidney Month ay “Batong Malakas sa Panibagong Bukas.” (NNC-NCR/PIA-NCR)

About the Author

Gelaine Louise Gutierrez

Information Officer II

NCR

Feedback / Comment

Get in touch