No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pagsunod sa minimum health standard, muling pinaalala ni Pateros Mayor Ponce

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Muling nagbigay paalala si Pateros Mayor Ike Ponce sa mga residente na lubos na mag-ingat at palagiang sundin ang minimum health standard kontra COVID-19.

Ako po ay umaapela sa inyong lahat na tayo ay maging responsable at ibigay ang ating bahagi upang tayong lahat ay makalaya na sa pandemyang ating kinakaharap,” ayon kay Mayor Ike.

Kayan naman mas paiigtingin pa ng pamahalaang bayan ang pagpapatupad nang pagsunod sa minimum health standards. 

“… Papa-igtingin natin ang pagpapatupad ng pagsunod sa Minimum Health Standard na ito upang tayo ay makatiyak na hindi na dadami pa ang kaso ng covid sa ating bayan at tayo ay hindi na babalik sa napakahirap na mga lockdown na dati nating pinatupad at nag dulot ng pagkawala ng hanapbuhay at gutom.”

Ang ilan sa mga minimum health standard ay ang palagian at tamang pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng kamay at pag distansya ng isang (1) metro o higit pa sa pinaka malapit na katabi. (Isang Pateros/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch