No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Kailangan pa rin ng face mask sa Wattah! Wattah! Festival ng San Juan

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Sa muling pagdiriwang ng Wattah! Wattah! Festival sa darating na Biyernes, Hunyo 24 ay kailangan pa rin sumunod sa umiiral na health protocol gaya ng pagsusuot ng face mask.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, muling ibabalik ang kasiyahan ng Wattah! Wattah! sa araw ng Kapistahan ng lungsod matapos ang tatlong taon bunsod ng pandemya.

Magkakaroon ng basaan, street dancing competition, free concert, fireworks display, at prusisyon sa mga susunod na araw.

Sa kabila nito, pinayuhan ng alkalde ang publiko na nasa ilalim pa rin ang lungsod ng COVID-19 Alert Level 1 at kailangan pa rin ang ibayong pag-iingat.

Patuloy po tayong sumunod sa mga health and safety protocols sa ilalim ng Alert Level 1 gaya ng pagsusuot ng face mask para sa kaligtasan ng bawat isa,” paalala ni Mayor Zamora.

Ang Wattah! Wattah! Festival o ‘Basaan’ Festival ay pagdiriwang ng kapistahan ni San Juan Bautista tuwing ika-24 ng Hunyo. (San Juan/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch