No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: 120th Founding Anniversary ng Gobyerno Sibil ng Palawan, ipinagdiriwang

120th Founding Anniversary ng Gobyerno Sibil ng Palawan, ipinagdiriwang

Kinoronahan noong Hunyo 22, 2022 si Paola Gigi Blasselle mula sa Bayan ng Busuanga bilang Mutya ng Palawan 2022. Ang Mutya ng Palawan ay isa sa mga 'highlight of activities' kaugnay ng pagdiriwang ng Gobyerno Sibil ng Palawan. (larawan mula sa PIO-Palawan)

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Ipinagdiriwang sa Hunyo 23, 2022 ang ika-120 taong pagkakatatag ng Gobyerno Sibil ng Lalawigan ng Palawan.

Ang Gobyerno Sibil ng Lalawigan ng Palawan ay naitatag pagkatapos ng giyera sa pagitan ng Amerika at ng Pilipinas noong 1902.

Kaugnay ng pagdiriwang nito ay nabuo din ang kauna-unahang Baragatan sa Palawan Festival noong 2002 kasabay ng ‘centennial celebration’ ng Civil Government ng Palawan.

Ibig sabihin ng Baragatan ay ang pagkikita-kita o pagtitipon-tipon ng mga mamamayan sa Palawan sa pamamagitan ng iba’t-ibang aktibidad.

Ilan sa mga ‘highlights of activities’ sa pagdiriwang na ito ay ang Parada ng mga Palawenyo na kinapapalooban ng ‘Paantiguan sa Dalan’, Float Parade Competition, Mutya ng Palawan at ang Saraotan sa Dalan o street dancing.

Kinoronahan naman noong Hunyo 22, 2022 si Paola Gigi Blasselle mula sa Bayan ng Busuanga bilang Mutya ng Palawan 2022.

Pitong munisipyo naman ang kasali sa Saraotan sa Dalan na magaganap sa Hunyo 23 kung saan ang mananalong koponan ay magkakatanggap ng P1 milyon na cash prize.

Sa pamamagitan naman ng Republic Act 9748 na nilagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong Nobyembre 10, 2009 ay idineklarang special non-working holiday ang Hunyo 23 kada taon sa buong Lalawigan ng Palawan bilang paggunita sa pagkakatatag ng Gobyerno Sibil ng lalawigan. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch