No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Barong na isusuot ni BBM ipinakita

LUNGSOD QUEZON (PIA) -- Sa isang facebook post nitong Miyerkules ng gabi ay ibinida ni President-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr ang mga isusuot niyang barong sa araw na ito.

Ipinakita niya ang kanyang barong para sa mismong inagurasyon na ayon sa kanya ay idinisenyo ng kilalang fashion designer na si  Pepito Albert na hango sa rayadillo, ang tradisyunal na uniporme ng mga sundalo noong panahon ng mga Kastila.

Sa isa pang post ay ibinida rin niya ang kanyang barong sa gaganaping salu-salo sa gabi, ito ay gawa sa tela ng piña na idinisenyo muli ni Pepito Albert sa bayan ng Taal, Batangas.

Magiging katerno ng mga barong na ito ang sapatos na gawa ng Sapatero Manila.

Kasama ng dalawang barong ay ibinahagi rin niya ang mga disenyo ng isusuot ng kanyang pamilya sa okasyon.

Samantala, ipinasilip rin ang opisyal na larawan ni President-elect Bongbong Marcos na ipininta ng pintor na si Lulu Coching Rodriguez na ilalagay sa Palasyo ng Malacañan. Ipininta din niya ang mga opisyal na larawan ng iba pang dating Presidente. (Photos via BBM & UNITEAM SocMed accounts / AVS / PIA-NCR)

About the Author

Alice Sicat

Information Officer IV

Feedback / Comment

Get in touch