QUEZON CITY- Sa pangunguna ng National Nutrition Council (NNC), ipinagdiriwang ngayong buwan ng Hulyo ang Nutrition Month na may temang, “New normal na nutrisyon, sama-samang gawan ng solusyon!”.
Ang tema ngayong taon ay nagsusulong para sa mas pinalakas na mga nutrition intervention at pagkakaisa para sa pagpapabuti ng nutrisyon sa bansa.
Ang pagdiriwang ay may panawagan din na bigyang priyoridad at matiyak na ang mga programa ng nutrisyon ay maging bahagi ng development agenda sa bagong administration.
Nutrition Month activities:
· National Nutrition Month kick-off on July 1
· Regional Nutrition Month launch
· Food and Nutrition Research seminar series on July 5-8
· Philippine Association of Nutrition Convention on July 26-27
· D)H (HFDB) and DOH League of RNDs Inc. Advocacy Webinar on July 20-21
· National Nutrition Month Culminating Activity on July 29
Para sa iba pang detalye ng 2022 Nutrition Month activities, bisitahin ang www.nnc.gov.ph at NNC Facebook page https://www.facebook.com/nncofficial. (JLB/PIA-IDPD)
#2022NutritionMonth #NutrisyongSapatParaSaLahat