No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

‘New Water’ Project ng Maynilad, inilunsad sa Parañaque

LUNGSOD QUEZON (PIA)—Inilunsad noong Martes, Hunyo 28, 2022 ang proyektong “New Water” sa lungsod ng Parañaque City.

Ang “New Water” ay proyekto ng Maynilad kung saan nakakagawa ng potable water mula sa mga “gamit” na tubig galing sa mga households sa pamamgitan ng mahigpit na treatment process at bagong teknolohiya mula sa Israel upang maging drinkable water ito.

Ayon kay and Maynilad Water Services Inc. (MWSI) President and CEO Romancito S. Fernandez, mahaba ang pinagdaanang paglalakbay ng Maynilad nila naisagawa ang proyekto.

“Nag research, nag test, nag further test, nag validation, nag benchmarking at eventually pumili kami ng technolohiya,” ani Fernandez.

Ang pilot testing ay gagawin sa Baranagay San Isidro at San Dionisio, sa Lunsod Parañaque.

Samantala, nabanggit naman ni Dr. Wency Blas, Head ng Environmental and Occupational Health Cluster ng Department of Health -Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD na dumaan sa mga naka set na parameters na naayon sa Philippine National Standard for Drinking water of 2017 ang “New Water” ng Maynilad.

 Ayon kay Blas, nakikiisa ang DOH-MMCHD sa isinagawang Water Taste Test ng Maynilad upang ipakita na ligtas ang tubig na ipapamahagi sa dalawang Barangay ng Parañaque City.

Naniniwala ang Maynilad na sa pamamagitan ng kanilang proyekto na “New Water”, matutugunan nito ang tumataas na pagkonsumo sa tubig ng mga tao sa komunidad.

Dinaluhan din ang paglulunsad ng iba’t ibang government agencies tulad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na pinangungunahan ni Atty. Juan Miguel T. Cuna- Undersecretary for Field Operations-Luzon, Visayas, and Environment, Atty. Patrick Lester N. Ty- Chief Regulator, kasama si Engr. Leonor C. Cleofas ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), Dr. Sevillo D. David Jr.-Executive Director ng National Water Resources Board (NWRB), Parañaque City Mayor-elect Hon. Eric L. Olivarez at Chief Operating Officer-Randolph T. Estrellado. (DOH MMCHD/PIA-NCR)


About the Author

Alehia Therese Abuan

Writer

NCR

Feedback / Comment

Get in touch